Thursday, May 8, 2008

Mag-ina sa McDo

Mag-inang kiwi sa Mcdo
(LP#6 - Mahal na Ina)

Wala na yatang ibang lugar dito kung saan ka makakakita ng kumpulan ng mag-ina kundi sa pinakamalapit na Mcdo - ang kanilang playground ay nagmimistulang daycare center sa dami ng bata. Ang insidente ng mga dalagitang ina sa NZ ay pataas, marahil dahil na rin sa dalagita pa kaya marami sa kanila ang di marunong manamit ng nararapat sa presence ng maraming bata.



Mahal na ina, ang iyong "butt crack" ay tawag pansin di lang sa mga bata kundi pati na rin sa mga matatanda. Di maikubli ng manipis mong palda ang iyong itim na thong. Ika nga ni didith reyes " Oh tukso! layuan mo ako...", bka kung ganito lagi ang makikita ko sa Mcdo ay duon na ako mag-almusal,tanghalian at hapunan - Mcdo, luv ko 'to!

14 comments:

Pinky said...

Pilyo ka, Kiwipino! Hahaha! Ingat lang, baka mahuli ka ni "butt crack mom" at isalampak ang Big Mac niya sa nakanganga mong bibig...

Happy Huwebes sa iyo, kapatid!

Em Dy said...

Ha ha ha.

Correction lang. Si Eva Eugenio ang kumanta ng Tukso. Pero tama din si Didith Reyes. Parang ang kinakanta ng inang ito ay Bakit ako mahihiya? Tumpak na tumpak kay Didith.

Ha ha ha.

lidsÜ said...

haha! nakakatawa naman ang iyong lahok ngayong linggo!

magandang huwebes sa'yo!

cathy said...

*ehem* Kiwipino, magaling ka pala pumansin ng mga detalye sa iyong kapaligiran, kahanga-hanga! Haha!! Nakakatawa... buti walang nakahuli sa iyo.


Nga pala, ganda ng banner image mo!

jennyL said...

hahaha hala ka mga likuran pala ng mga Kiwi ang tinitignan mo dyan sa Mcdo ha.. sige tambay pa hehe.. hay naku mga papansin lang mga ganyan manamit..
http://jennys-corner.com/2008/05/litratong-pinoy-6-mahal-na-ina.html

julie said...

Ay, ano ba yan si butt-crack, di pang GP ang damit sa McDo, haha. Natawa ako sa comment ni Pinky, hahaha.

Maligayang araw sa iyo.

leapsphotoalbum said...

Mukhang gusto kong tumira diyan sa NZ... ibang-iba ang mga Mc Do diyan... dito sa amin laging nakabalot sa itim ang mga kamakain dito.

bluepanjeet | OTWOMD™ said...

haha napatawa mo ako sa huli mong larawan. Buti di nya nakita na kinunan mo sya.

Advance Happy Butt Crack Mother's Day

sardonic nell said...

napahalakhak ako sa buttcrack comment mo hah, hehehe!

Kaje said...

TNM!!!! akala ko kung ano na, may komento palang ganun nyahahah alkansya ba? pilyo ka ha!

thess said...

Ha ha ha! Naku lalaki gastos mo at tataba ka pag laging ganyang tanawin sa McDo *lol*

Mag pizzahut ka naman :D

MommyBa said...

Hehehehehe! Oh well, wala ata silang keber talaga kung ano ang nakikita sa kanila.

Funny moment at sobrang keen ka sa details. Ako rin me ganyang tendency eh. :)

iris said...

haha iskandaloso mashado yang puting palda na yan. ok na sana sa malayo. :)

kiwipino said...

salamat po sa lahat ng dumalaw. hirap talaga ng tumatanda - si eva eugenio nga pla kumanta nun, salamat po sa pag-papaalala. walang huli naman ang ginawa kong pagkuha ng pik dahil all eyes are focused on her - kya walang nakapansin sakin.