LP: Tubig
ang tubig sa NZ ay maiinom ng diretso mula sa gripo, tulad na lamang ng drinking fountain na ito sa parking area - di ka mag-aatubiling uninom sa sandaling makaramdam ng uhaw. I can't recall when was the last time na uminom ako ng diretso sa gripo sa pinas, either kailangang dumaan sa purifier or filtration ang tubig o di kaya ito ay pinakuluan. may pagasa pa kayang bumalik ang linis ng tubig sa kamaynilaan?
DAGDAG LANG PO - sa ibaba ay makikita naman ang larawan ng hamog sa umaga at ang epekto sa waterdroplets kapag tinamaan ng araw.
DAGDAG LANG PO - sa ibaba ay makikita naman ang larawan ng hamog sa umaga at ang epekto sa waterdroplets kapag tinamaan ng araw.
21 comments:
Sumasangayon ako sayo, di ko na rin matandaan, marahil ay maliit na bata pa ako noon hindi pinapakuluan ang tubig sa atin, masaya ako na ang mga anak ko ay nakakainom ng preskong tubig mula sa gripo. Gandang Huwebes, ganda ng sikat ng araw jan!
kahit sa probinsiya di na rin naiinom ang tubig diretso galing sa gripo.
maligayang huwebes!
kakabilib ang linis ng tubig sa NZ. ngayon di ka na mapapakali kung walang makikitang purified or mineral water.
ayos, ganda ng anggulo... maligayang araw ng huwebes...
buti pa sa NZ! haaay... sana'y magawa rin natin ito muli!
dito din sa Oz pwede pa rin uminom ng diretso mula sa gripo. pero bihira na nga lang yang ganyan dito sa mundo natin. maswerte tayo at napapakinabang pa natin ito.
happy huwebes sa iyo! :)
malamig na ba un tubig na lumalabas jan? parang ang sarap uminom :D
Marahil ay sa alaala na lamang na noon ay pwede pang inumin ang galing sa gripo. Sa amin, baka matuyuan na ng labis ang aming lalamunan kuing maghihintay ng patak mula sa gripo, hehehe.
Magandang Huwebes sa iyo.
hay naku umasa pa tayong lilinisin ang tap water sa maynila.. baka himala lang yon hehe. sa mga tubo na butas at nakababad sa imburnal eh lilinis pa ba yon? kaya naman uso ang mga mineral or distilled water na iinumin kasi d na talaga safe..
Yan ay di mo pwedeng gawin dito sa Phnom Penh! Kung hindi, magkaka-diarrhea ka ng ilang linggo. Sabagay, sabi nga ng mga expat-friends ko dito, mabilis daw silang pumayat dahil dito :)
Prep pa yata ako nang huling uminom sa isang fountain. Swerte niyo naman sa NZ at inyong nagagawa yan! Hindi na kailangan bumili ng tubig sa convenience store kapag nauuhaw!
naku ako din, nakamulatan ko na na ang tubig dito sa pinas kelangan ipakulo bago inumin, hindi nga kami pinapayagan uminom kahit sa drinking fountain eh...malabong na yatang makainom pa diretso mula sa gripo sigh.
buti pa jan safe inumin ng derecho sa gripo. kakalungkot di ba...
Ang aking tubig
Tama ka, hindi ko matandaan kelan ako nakainom ng malinsi an tubig mula sa girpo natin sa Pilipinas :( Huling attempt ay may lumabas pa na kitikiti!!
Maligayang Huwebes sa iyo!
dito naman sa sydney ay dini-discourage kang uminom ng direcho sa gripo. idaan daw muna sa brita. ha ha.
happy weekend neighbor! :)
i've said that to myself as well. wish manila water was clean enough to drink directly from the faucet. last i did that, i ended up with a tummy ache. sigh... anyhow, happy thursday to you!
mapalad kayo sa NZ...dito naman sa OZ ay pwede pa din, ang iba nga lang ay naniniguro kaya gumagamit din ng 'filter' at 'purifier'. magandang araw sa iyo.
tunay yan kiwipino... sarap nga ng feeling ng napunta din ako d2 sa NZ. normal ang uminom ng tubig gripo dito...
Wow isa sa mga pangarap kong marating na bansa ang NZ. Buti pa ang tubig dyan malinis. Great post!
http://www.ambothology.com/davao-city-whitewater-rafting
ang linis pa pala ng tubig jan. dito syempre..parumi na ng parumi. :(
sa probinsya namin, mayroon kaming sariling free-flowing water galing sa water table about 400 ft below the ground. Malinis cya, pwedeng inumin ng diretso. Kaya lang nakakapag hinayang kasi tuloy-tuloy ang tulo nya kahit walang gimagamit :)
Post a Comment