Monday, August 18, 2008

dentista ko!


TAKE NOTE: Free dental care is available for children aged 0 years to Year 8 (Form 2) by the school dental service. Dental care from Year 9 (Form 3) until their 18th birthday (adolescent dental service) is provided by a contracted dental provider.

- in other words libre po ang dentista till 18th na ang bata!


get more info HERE.

Download the Clinics Open document for clinics available in your area.

Wednesday, August 6, 2008

pinoys sa NZ sites



http://www.pinoy.net.nz/
a publication by Filipinos for Filipinos but without excluding people of other nationalities who are related to Filipinos by marriage and others

http://www.tambayang-pinoy.com
for those looking for a temp place to stay in auckland.

http://www.backpack-newzealand.com/nz/cat8.php
tons of resource bout pinoys wanting to migrate to nz.

Wednesday, July 16, 2008

iskul bukol



Dito sa NZ, di maaring tanggihan ng isang state school ang isang mag-aaral (maliban sa kolehiyo) na pumasok sa kanilang paaralan - as long as ang iyong tirahan ay within their school zone. kaya napakaimportante dito lalo na sa mga bagong saltang pamilya na malaman kung anong eskuwelahan ang malapit sa kanilang tirahan.

eto ang LINK - kung saan maari mong ma-input ang iyong tirahan ng malaman kung anong skul ang malapit dito.

NZ GST


GST (Goods and services tax)
there are two things you cant escape in life - death and taxes - check mo dito how to get the amount of GST you'll have to pay

Saturday, July 5, 2008

convoys


iba talaga dito, naturigang protest pero peaceful pa rin at orderly. this was the scene yesterday sa auckland city centre - hundreds of trucks converge to protest the latest road user levy (READ).

i maybe in hiatus for a while - but i will be posting sa pinoyandpinay.com from time to time.

Thursday, June 12, 2008

kalayaan o kaginhawahan?


Sa loob ng Auckland Museum ay makikita ang mga pangalan ng mga kiwing nagbuwis ng kanilang buhay para sa bayan. Kahit saan man ang kalayaan ng bayan ay laging nakabigkis sa digmaan - may alam ka bang bansa kung saan ang "araw ng kalayaan" ay di patukoy sa isang madugong nakalipas ng kanilang kasaysayan?

Magandang isiping ang kasunod ng kalayaan ay kaginhawahan - asa balita ngayon na ang siyudad ng auckland ay pang-lima sa "the best cities in the world". Hinanap ko ang maynila o kahit na anong siyudad sa pilipinas sa bandang taas ng listahan - sa aking pagka-dismaya halos nasa dulo na ang siyudad ng kamaynilaan.

kalayaan o kaginhawahan ano ba ang mas mahalaga?

...Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya maunlad ang madla.


Thursday, June 5, 2008

kiwi wiki


Simbolo ng NZ ang kiwi, ito ay mga ibong di nakalilipad at kadalasang sa gabi lamang lumalabas. Sila ay lumalaki ng kasinlaki ng isang manok at nakakabigat ng hanggang tatlong kilo. Matalas ang kanilang pang-amoy - isang katangiang di pangkaraniwan sa mga ibon.

Once ma-in-love at magsama, ang babae at lalaking kiwi ay nananatiling tapat sa isa't-isa for the rest of their lives -na maaring tumagal ng dalawampung taon. [ kiwi wiki ]