Wednesday, April 22, 2009

gusali sa queen street


ang queen street sa downtown ang matatawag na "golden mile" ng auckland city, karamihan sa mga malalaking kumpanya ay may opisina rito. kapansin-pansin sa queen street ang sari-saring style ng arkitektura ng mga gusali - mula sa moderno tulad ng imax theatre sa larawan (gitna), art deco tulad ng civic centre sa gawing kanan at classical na torre sa may kalayuan.

mapapasin din na lahat ng intersection sa kahabaan ng queen street ay maaring tawirin diagonally ng mga pedestrian at hindi lang perpendicular tulad ng ating nakagawian.

6 comments:

chinois972 said...

Diagonal na tawiran? Kakaiba nga! Galing!

At ang iba't ibang disenyo ng mga gusali ay totoong agaw-pansin.

lino said...

nice... happy huwebes... :)

Marites said...

ngayon lang ako nakarinig na pwdeng tawirin ng diagonal ang isang kalsada, hindi ba nagkakagulo ang trapik niyan? Kakatawag pansin ang gusalng iba-ibang disenyo.

iska said...

sa japan yata nagsimula ang konseptong diagonal ang tawiran, tama ba? kakatuwa naman din. at least isang tawiran lang pag sa kabila ka talaga pupunta. less paghihintay, diba?

Jay - agent112778 said...

wow ang linis pala jan, hmmm, kelan kaya ako makakapunta jan

sana maibigan nyo rin ang aking lahokmagandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

julie said...

Aba, kakaiba ang tawiran na diagonal :)