Friday, March 28, 2008

Sagot ni Kiwi.pino


Ito po ang aking masasabi sa sulat ng ating kababayang si JC na pinamagatang “Hindi paraiso ang buhay sa New Zealand”. Para sa hindi pa nakakabasa narito po ang kanyang sulat at aking mga komentaryo (in red).

Hindi paraiso ang buhay sa New Zealand
(pero mas malaparaiso kung ikukumpara sa pinas)

03/14/2008 | 08:23 PM
03/26/2008 | 08:00 AM

Babala: Hindi paraiso ang New Zealand
(no country is perfect, but nz surely beats the phil by a mile)

Nais ko lang magbigay ng babala sa mga kababayan natin na nagtutungo sa New Zealand sa pag-aakala na dito nila matatagpuan ang glorya na hindi nila natikman sa Pilipinas.

Marami na tayong mga kababayan na nabiktima ng naglipanang recruitment/immigration agencies d'yan sa atin sa Pilipinas at nagdurusa ngayon dito sa New Zealand .

Marami sa kanila ang nadaan sa sweet-talk ng agencies na ito. Halimbawa, madali raw makakuha ng trabaho, mataas ang sahod at maganda ang takbo ng pamumuhay.

the keyword here is “SWEET TALK”, wala itong pinagkaiba sa mga ibang mambobolang illegal recruiter na nagkalat sa pilipinas na nagpapa-alis ng ating mga walang malay na kababayan papunta kung saan-saang lugar.


Sinisingil sila ng P500,000 kapalit ng tourist visa. Ang sabi sa kanila, wala nang problema pagdating sa NZ dahil maraming available na trabaho. Kapag nakakuha na sila ng job offer, madali nang mai-convert ang tourist visa nila into work permit.

Actually ang panghingi ng malaking halaga kapalit ng pag-alis ay typical na Gawain ng mga illegal recruiter kahit saan man. Kung sa NZ ang punta mo as tourist ay di mo na kailangan ang 500,000 pesos, you should have gone through the process. Apply for a tourist visa sa kahit saang nz embassy, check if you meet the requirements – yun lang! bilang isang phil passport holder ay wala kang babayarang any visa fee if your applying for a tourist visa at intending to stay for less than 50 days. Also if your issued a “limited visa” it means your visa cant be extended and you’ll have to leave nz when your visa is up (all of this info is available online if your not too lazy to browse them)

Check if your profession is in the priority list ng mga kailangan nila – again this is available online (masuwerte pa nga tayong mga pinoy kasi ang ating work experience sa pinas ay credited di tulad ng sa ibang mga bansang wala sa listahan).


Kadalasang tumatagal ng isang buwan ang tourist visa sa New Zealand na ibinibigay ng immigration.

Kulit mo ah! Kapag 1 month binigay sa iyo at di “limited” yun visa ay maari mo itong ma-extend.

Sobra raw kung i-build up ng agencies na ito ang New Zealand na tila paraiso kaya mahahalina ka talagang lumipad. Sinasabing napakadaling kumuha ng trabaho, mura ang bilihin, at maganda ang buhay.

More sweet talk, lesson here – wag po kayong papa-uto!

Ang sales talk pa, ang P500,000 na ginastos nila na pambayad sa pagpunta sa NZ ay mababawi kaagad sa loob lang ng isang buwan na pagtatrabaho rito. Kaya naman hindi nakapagtataka na marami sa mga kababayan natin ang nabibiktima.

Isang buwan! Bka naman CEO ng isang kumpanya ang posisyon. Sa susunod tanong mo muna kung anong propesyon ng makapag-apply din ako.

Pagdating nila rito, pahirapan sa pagkuha ng trabaho, at kung may makuhang trabaho, maliit naman sa sahod pero mahal ang gastos, lalo na sa upa sa bahay. Mabuti na lang may mga kababayan tayo rito na kumukupkop sa kanila.

Again depende sa propesyon mo, kung maliit ang suweldo mo you have the option of getting a second job (its no different from what pinoy sa states are doing). Di naman kabigatan ang work load kya ang magkaroon ng dalawa o tatlo pang trabaho is feasible. Ang mga kaawa-awang pinoy na kinukupkop ay yuon mga napupunta ng di prepared (in other words, yun mga nagpabola sa mga illegal recruiters), kahit saan sulok ka ng daigdig pumunta ay naglapana ang mga kababayan nating nabola ng mga illegal recruiter, makikita mo silang nagkalat na walang patutunguhan o pupuntahan na mamatamisin pang bumalik na lang ng pinas.

Panahon na para magising ang ating mga kababayan sa katotohanan. Napakahirap ng buhay dito – mahirap kumuha ng trabaho, at hindi totoong maluwag ang pamumuhay.

Tumpak ka dyan! Panahon na para gumising mga pinoy at wag kayong pabola sa mga lintang recruiter. Sa susunod puwede ba siguraduhin nyo muna na ang linya nyo ay may opening nga, atsaka try to live within your means.


Ang totoo - grabe ang discrimination dito pagdating sa trabaho. Ang mga “puti" ang priority ng employers na binibigyan ng trabaho. Ang mga may kulay tulad ng mga Pinoy, kahit qualified sa trabaho ay hindi kaagad tinatanggap dahil wala daw silang "NZ o local experience."

Discrimination is prevalent everywhere, if you have work abroad you would know that. Also if you have work overseas you’ll know na tanga ang mga puti – kung walang pinoy na aalalay sa mga yan eh walang matatapos na trabaho ang mga kumag nayan! Kung mal-edukado ang may-ari na papasukan mo naturalmenteng kalahi nyan ang ipaparioritize nyan (walang pinagkaiba yan sa pinoy kukunin pinoy din kung puwede at qualified naman). NZ or Local experience means nakapagtrabaho ka na sa NZ in any line of work, having such an experience you can command a better salary next time you look for work.

Ito ang dahilan kung bakit marami sa mga kababayan natin na doctor, lawyer, engineer at accountants ang kung anu-ano na lang trabaho ang pinapasok para lang kumita. Hindi nila magamit ang qualification nila dahil hindi nire-recognize ng employers.

Get this straight people, kung ano tinapos mo o ano pa man ang license mo sa pinas – it doesn’t mean shit paglabas mo ng pinas, you’ll have study and pass the local board again to qualify. Eto ay standard practice lalo na sa mga developed countries. Sus taga-3rd world po tayo, you cant expect to be treated at par with their graduate. Yan ang dahilan kaya sa labas ng pinas pinag-aaral ng mga mayayamang pinoy ang mga anak nila.

Napakahirap ng buhay dahil maliit lang ang sweldo, pero sobrang laki ng tax at sobrang taas ng presyo ng mga bilihin. Mainit na usapin ngayon dito ang mababang pasweldo sa NZ kumpara sa Australia . Mahigit kalahati ang diperensya ng sahod ng magkalapit na bansa. Kung dito sa NZ ay $11 per hour ang minimum, sa Australia mahigit $20 ang minimum at mas malaki pa ang palit ng pera nila.

Ang cost of living ay commensurate to the standard of living. Sa susunod wag maniwala sa mga sabi-sabi lang, do your own research and try to find out whats the real deal. I can give you the link ng payscale sa NZ at Australia if you wish para sa susunod na mag-apply ka ay alam mo kung magkano dapat ang pay grade mo.

Dahil sa napakataas na tax sa sahod na umaabot sa 25 percent bawat linggo, at mahal na bilihin at upa sa bahay, talagang literal na dumadaan lang sa kamay ang sweldo rito.

Hmmmmm,sounds familiar – parang pinas! Ang pinagkaiba lang po ay makikita mo kung saan napupunta ang binabayad mo sa tax; tulad ng mababang school tuition, malinis na kapaligiran (walang tambak na basura!), murang pakonsulta sa doctor, etc, etc.

At ang pinakamatindi sa lahat, sobrang higpit ng immigration dito. Dumadanas ng "torture" ang mga kababayan natin sa kamay ng mga visa officer, kung umasta akala mo sila ang Diyos.

Have you seen kung paano i-trato ng mga pinoy immigration official ang mga pumapasok sa pinas. Normal yun kahit saang bansa ka pumunta, ang immig opisyal laging nakasimangot, isnabero, at laging parang may gagawin kang masama ang tingin sa iyo. Sus! Ako nga ay na-inspeksyon pa yun kasulok-sulukan ng baggage ko dahil galling ako sa isang 3rd world country (not phils) when I came to NZ, bka daw may droga akong dala.


Mahilig silang maghanap ng butas para pahirapan ang mga nag-aapply. At kami rin ay kasalukuyang dumadanas ng pangmaltrato ng immigration dito.

Kaya nga dapat kasi sa una pa lang ang pinag-aralan mo ng lahat ng requirements para ready ka na – its is all available online. para kang sumabak sa giyera nyan ng walang mission briefing eh, mapapatay ka agad nyan iho!


Ang negatibong impormasyon at tunay na sitwasyon tungkol sa pamumuhay sa NZ ay hindi nakakarating sa ating mga kababayan kaya marami pa rin ang lumilipad dito.

Korek ka dyan! Kya nga napilitan akong mag-komentaryo pra naman balance, dito kasi pinapahalagahan ang patas.


Mukhang may kasabwat din ang recruitment agencies d'yan sa atin at NZ immigration dahil isa sa malaking pinagkukunan ng pondo ng gobyerno rito ay mga ibinabayad na fees ng mga nag-aapply ng visa para makapunta rito. Kaya marahil ganun na lang kung i-build up nila ang NZ upang makaengganyo ng mga Filipino.

Read my lips “DI USO ANG LAGAYAN DITO!”, para kang reporter sa piliinas – your not reporting facts but heresay. Like what I said, if your applying for a tourist visa for less than 50 days you don’t need to pay 1 cent to anyone when applying sa NZ embassy.

Sa totoo lang, HINDI PARAISO ang NZ. Kaya sana mabigyang babala ang mga kababayan natin na nagbabalak na dito manirahan o maghanap ng trabaho. Huwag silang maniwala sa mga nababalita tungkol sa mala-paraisong NZ.

I agree, its not paradise but its darn close enough. I get to go anywhere here ng walang kakapkap sakin (think SM), I can go to any shop without leaving my bag sa baggage counter (think SM supermarket), there are no security guards everywhere brandishing their firearms (think BDO), there are no stinking garbage (look outside your window sa maynila), you can drink water straight from the tap (when was the last time you did this in manila),kids can play outside without adult supervision (think of your parents childhood).

Kung gusto nilang pumunta rito upang mamasyal walang problema, ngunit kung dito maninirahan at maghahanap ng trabaho, maipapayo natin na mag-isip silang mabuti, magtanong, dahil hindi biro ang sistema rito.

Again I agree, we don’t need more people here na nagpapabola lamang sa mga illegal recruiters – we prefer yung may konting utak naman dahil puproblemahin pa naming kayo dito. Di biro ang sistema dito dahil walang corruption, kung sanay ka sa lagayan sa pinas – THIS PLACE ISNT FOR YOU.


Maraming salamat. God bless.
Ditto!


*Si J.C. ay dating mamamahayag sa Pilipinas na nag-migrate sa NZ noong nakaraang taon kasama ang kanyang asawa at mga anak.


KIWI.PINO*’s life further downunder, only at www.pinoyandpinay.com

· pinoy na kung saan-saan na napadpad pero sa NZ naisipan ng dumaong, tanging hanggad sa buhay ay madala dito ang kayang buong angkan dahil ang NZ ay di lang pampamilya pang buong kamag-anakan pa!

2 comments:

Jonha said...

Tama marami talagang naloloko at nadadala sa sweet talk ng mga agencies. Gusto ko rin makalabas ng bansa but I see to it that I do it the legal way para hindi ako mahirapan at magastosan masyado (you will know they're up to something fishy if they're asking you a hefty amount of money). Hindi naman masama na humangad lumabas basta wag lang papaloko at manloko.

Unknown said...

Noong magpunta din ako dito as a skilled migrant ay nahirapan din ako maghanap ng work sa engineering. Pero nagtiyaga ako at pinasok ko ang trabahong kahit wala sa line of work ko. Pero noong makahanap na ako ng trabaho as an engineer ay hindi ako naka ranas ng discrimination dito dahil after two years lang sa kumpanyang pinagtrabahuan ko ay na promote na ako as a manager. Pero kung ang gusto mo ay pagpunta mo dito sa NZ ay makapasok ka agad na maganda ang trabaho mo ay di ka nga nababagay dito. Kung nasanay ka sa Pilipinas na nadadaan sa palakasan at paramihan ng mga koneksyon ay di ka nababagay dito.