hindi po ako isang immigraton expert, im just sharing my layman experience at baka makatulong sa inyong nagbabalak - if i can do it maybe so can you.
there are a number of ways to get to NZ; as a tourist, a student, applying for a job online or an immigrant (either skilled migrant or business migrant). ang pinaka-common ay yun bilang tourist or immigrant, you dont need to go through any so-called immigration agency to do this.
asa pilipinas ka man o nagtatrabaho sa ibang bansa ang requirement ay pare-pareho para sa isang filipino, basahin ang requirements DITO. ang pinaka-importante sa mga ito ay; ang sulat na katunayang may babalikan kang trabaho (certificate of employment), police clearance (nbi clerance para sa mga asa pinas), sapat na pera bilang pantustos habang asa NZ (this is offset if you have somebody in NZ na mag-i-isponsor sa iyo).
gaya ng nasabi ko na, if your applying for visit visa ng 59days or shorter, you dont need to pay any visa fee - BASAHIN DITO.
you can apply at any NZ embassy sa buong mundo, sa pilipinas ay naka-outsource ito sa isang kumpanya - Philippine Interactive Services Incorporated (PIASI).
napabalitang kinu-control daw ng mga b----a kung sino lang ang na-aaprubahan ng visa sa pinas, wala po akong pruweba kung gaano katutoo ang tsismis na ito.
if you meet all of the requirements, theres no reason why you can't get a visa. depende na lang yun kung "limited" visa ang mabigay sa iyo. a limited visa means you can't extend your stay in NZ, you must leave NZ before yor visa expires. kung di naman "limited" ang visa mo, you can have it extended habang asa NZ ka.
kung suwertihin ka at makakita ka ng trabaho habang asa NZ ka as a tourist, you cant start work kahit tanggap ka na. you must wait till your working visa can be processed, either lumabas ka muna ng NZ ( kung limited visa ka) or tambay ka muna at papasyal-pasyal anywhere sa NZ till your work permit comes out. you can hire an immiration lawyer in NZ para maasikaso agad ang paperwork mo but make sure na yung kukunin mo ay di mo babayaran hangga't di nare-release ang work permit mo.
to give you an idea what type of jobs are in demand in NZ narito ang kanilang IMMEDIATE SKILL SHORTAGE LIST at LONG TERM SKILL SHORTAGE LIST.
madali bang maghanap ng trabaho sa NZ? depende na yan sa linya mo at sa experience mo, a little chutzpah won't hurt. on average a highly qualified pinoy can land a job within a month, ang importante ay makakuha ka ng trabaho sa line of work mo. once magustuhan ka ng isang kumpanya at sabihin sa iyong tanggap ka na ang susunod na hakbang ay ang pag-process ng work permit mo - kasama na dito ang pagkuha mo ng medical exam ( around 350nz dollars din yun!).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment