Thursday, June 12, 2008

kalayaan o kaginhawahan?


Sa loob ng Auckland Museum ay makikita ang mga pangalan ng mga kiwing nagbuwis ng kanilang buhay para sa bayan. Kahit saan man ang kalayaan ng bayan ay laging nakabigkis sa digmaan - may alam ka bang bansa kung saan ang "araw ng kalayaan" ay di patukoy sa isang madugong nakalipas ng kanilang kasaysayan?

Magandang isiping ang kasunod ng kalayaan ay kaginhawahan - asa balita ngayon na ang siyudad ng auckland ay pang-lima sa "the best cities in the world". Hinanap ko ang maynila o kahit na anong siyudad sa pilipinas sa bandang taas ng listahan - sa aking pagka-dismaya halos nasa dulo na ang siyudad ng kamaynilaan.

kalayaan o kaginhawahan ano ba ang mas mahalaga?

...Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya maunlad ang madla.


14 comments:

Anonymous said...

Ang ganda ng tanong mo tungkol sa kalayaan o kaginhawahan.

Kung dito sa Holland, yung mga nakapiit sa bilangguan ang sagot ay kaginhawahan. Kasi mistulang hotel mga kulungan dito. At mabilis nilang susundan ng 'kalayaan'ang sagot nila...kasi mga kriminal dito, makulong man ay sa maikling panahon lamang.
Kung Manila man ay kulelat sa listahan, at least sa atin nakukulong ang dapat makulong.

(off topic na yata ako)

Happy LP sa iyo!

Anonymous said...

maligayang araw ng kalayaan...:)

lidsÜ said...

haaay... dapat nga ata talaga kaginhawaan ang kasunod ng kalayaan... pero hindi nangyayari e
magandang huwebes sa'yo!

Unknown said...

ipinaglaban ng mga bayani natin noon ang kalayaan ng bansa. pagkatapos ng mahigit na isang daang taon, tayo naman at nagkakandarapang umalis sa 'malayang bansa' natin, upang magkaroon ng maginhawang buhay.
hindi magkatumbal ang kalayaan at kaginhawaan. maganda ang sinulat mo sa iyong lahok!

Anonymous said...

Siguro ang hirap ang siyang nagpapasarap sa kalayaan.

Ang aking LP ay nakahain na rin sa blog na ito:
Shutter Happenings

Sana'y makadaan ka. Salamat!

Anonymous said...

Ako man ay nakikiisa sa iyong adhika ng isang maunlad na Pilipinas. Mabuhay ka!

 gmirage said...

Totoong kaakibat ng pagkabuhay ng tao ang paghihirap, kaya ang tunay na kalayaan, makakamit lamang siguro...hhmmmmmm di ko na itutuloy lol.

Happy LP!

Tes Tirol said...

maganda ang iyong adhika, hangad ko rin na ito ay matupad

happy lp!

Anonymous said...

Nakakalungkot ngang isipin na para makamit ang kalayaan ng isang bayan ay kalingan munang magbuwis ng buhay ng madaming tao. At napaka interesting nga ng iyong katanungan, napapisip tuloy ako.

Happy LP! At maligyang araw ng kalayaan!

http://www.bu-ge.com/2008/06/litratong-pinoy-kalayaan.html

Anonymous said...

maganda...maligayang araw ng kalayaan! at ayos din ang header mo sa tema!

ScroochChronicles said...

ano nga ba? kung tutuusin, ang maging malaya ay isa ding paraan para maabot ang kaginhawaan..sensya na ha, napa-emote ako eh..

cookie
http://scroochchronicles.blogspot.com/

Anonymous said...

Ang ganda ng mensahe. Bakit nga ba naman kelangan pang me magbuwis ng buhay, pero ganun siguro, me mga sacrifices. No guts, no glory ika nga.

Anonymous said...

palagay ko ay produkto ng kaginhawahan ang kalayaan.:) sana ay makapasyal kami sa NZ pag malaki-laki na ang aking anak.

happy weekend!

Strawberrygurl: LP11 Kalayaan
BusyMom: LP1 Kalayaan

Anonymous said...

puede bang pareho? pero sa panahon ngayon, pipiliin ko ang kaginhawahan :D

nagpapakatotoo lang po :)