Thursday, April 24, 2008

naghuhumintig papuntang langit

hello po sa lahat, welcome to my crib - NOT!

ang aking entry para sa LP #4"Hugis ay pahaba" (pun intended?)

- isang overly proportioned chimney with a bushy foreground,
humiga pa ako sa lawn to get this shot - buti na lang walang tao
dun sa bahay kundi baka napahabol pa ako sa aso.

Pagkaganda ganda ng mga bahay dito at take note - walang bakod! Di naman siguro masamang mangarap na one day isang araw ay magkakabahay ako ng ganito. Mula sa malayo ay kapansin-pansin ang chimney ng bahay na ito na tila ba marker sa goggle earth na nagsasabing "pssst! eto....dito...dito ako nakatira, ito ang bahay ko.".

13 comments:

Lizeth said...

humiga ka talaga?! LOL

happy thursday!

admin said...

oo nga buti walang tao baka magalit sa yo at tanungin ka kung bakit mo kinukunan ang bahay nila. kung d malas mo hehe

eto akin http://jennys-corner.com/2008/04/litratong-pinoy-4-hugis-ay-pahaba.html

lino said...

kelangan talaga yan paminsan minsan, para makakuha ng magandang anggulo... taga NZ ka ba? may friend ako dyan bagong lipat.... :)


http://linophotography.com

TeacherJulie said...

Kaya pala tila napakalaki, nakahiga ka sa damuhan, hehe. Ang ganda nga.

Maligayang araw sa iyo!

Pahaba

Anonymous said...

ang daring mo pala :) hehehe...

Anonymous said...

Bigla tuloy ako nangarap ng ganyang bahay :)

naku buti pa dyan malinis kahit humiga ka sa lupa, dito malaking chance na uu ng aso magiging unan ko pag humiga ako sa pagkuha ng larawan ha ha!

hanggang sa susunond na LP!

Anonymous said...

aba, nasa iisang lugar pala tayo :-) oo nga masarap mangarap ng ganyang bahay dito...

hi thess, malinis talaga dito at kalimitan nga ay nakapaang naglalakad ang mga tao pag summer.

Anonymous said...

Maganda nga ang bahay na yan, kahit ako ay papangarapin ko ding magkaroon ng ganyan! At kakaiba ang chimney niya no? Magandang Huwebes sa yo!

Anonymous said...

ang ganda ng bahay :)

Anonymous said...

ang gandang bahay! at ang gandang chimney! dito man sa texas, karamihan ng mga kabahaya'y walang bakod sa harap. ang mga gilid at likod lamang. ang napansin ko lang na may bakod pati ang harap ay yung mga sobrang laking mga lupain. :)

Mga Pahaba sa Dallas
Mga Pahaba sa Houston

Anonymous said...

Ang galing ng pagkakuha mo! Gusto ko kasi un itsura ng sky sa litrato. Mahaba nga un chimney. :) Ang ganda ng bahay ha. Maligayang LP! :)

Nina said...

ang ganda ng litrato mo :) Maligayang sabado..

Anonymous said...

salamat po sa lahat ng nagkumento.

hay! buti na lang at libre lamang ang mangarap kya gaano man kalaki ang bahay ng gusto mong pangarapin ay ok lang. freshly trimmed yung lawn sa harap ng humiga ako to get a sharper angle ng chimney kya di ako nag-atubili. i never see any uu ng aso anywhere kya di ako nagambang may matapakan o mahigaang uu. i tried changing the setting ng digicam to get a dimmer effect pra lalong lumitaw ang langit.
sana nga po at magkahalibulo tayong mga taga-dito sa auckland minsan.